|
||||||||
|
||
Handa ang pamahalaan sa bagyong "Hagupit"
MAY nakalaang salapi ang pamahalaan sa iba't ibang tanggapang tutugon sa pagpasok ng bagyong "Hagupit" sa nasasakupan ng PIlipinas.
Ayon kay Kalihim Florencio B. Abad ng Department of Budget and Management, mayroong P 4.69 bilyon na magagamit na Quick Response Funds o standby funds na magagamit sa anumang emerhensya upang magkaroon ng kailangang resources at mga tauhang magdadala ng relief at madaliang tulong sa mga biktima.
May nakalaang P 406 milyon para sa Department of Agriculture, P 564 milyon para sa Department of Education, P 500 milyon para sa Department of Health, P 448 para sa Department of National Defense, P 764 milyon para sa Office of Civil Defense, P 1.01 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development at P 1 bilyon para sa Department of Transportation and Communications.
Ayon sa pahayag ng Department of Budget and Management, makakakuha rin ang pamahalaan ng salapi mula sa 2014 National Disaster Risk Reduction and Management Fund. Makakakuha rin ng pondo sa 2015 National Budget sa oras na makapasa sa Kongreso at malagdaan ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |