|
||||||||
|
||
Zero casualty, target ng Philippine Coast Guard
INATASAN ni Vice Admiral Rodolfo Isorena, Philippine Coast Guard commandant ang kanyang mga tauhan na ihanda ang kanilang emergency teams sa oras na magtaas ng typhoon signals ang PAGASA.
Kailangang makatugon ang Philippine Coast Guard sa anumang emerhensya partikular sa Bicol, Eastern Visayas at timog-silangang Mindanao sa inaasahang pagpasok ng bagyong "Hagupit" na kikilalaning "Ruby" sa oras na makapasok sa Philippine Area of Responsibility.
Inutusan ni Admiral Isorena ang kanyang mga tauhang magparating ng kaukulang impormasyon sa mga mangingisda at papag-ingatin sa oras na madama ang sama ng panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |