Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Hagupit" posibleng dumaan sa Eastern Visayas

(GMT+08:00) 2014-12-03 18:16:48       CRI

Dalawang araw na pulong hinggil sa relasyon ng Tsina at Pilipinas, sisimulan bukas

PAG-UUSAPAN sa loob ng dalawang araw ang kalagayan at kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pag-unawa sa Kasaysayan at ang mga implikasyon ng mga magaganap. Idaraos ang pagtitipon sa Polytechnic University of the Philippines ang dalawang araw na talakayan.

Kabilang sa magsasalita sina Dr. Clarita Carlos, isang dalubhasa sa Political Science sa Pamantasan ng Pilipinas sa paksang "Functional Route to Cooperation in the South China Sea." Tatalakayin naman ni Gng. Teresita Ang See ang "Cultural Diplomacy between the Philippines and China" samantalang magsasalita rin si Chito Sta. Romana, isang beteranong brodkaster na matagal na nadestino sa Beijing sa paksang "Escalating Geopolitical Rivalry in Asia –Prospects for Philippine – China Relations.

Magsasalita si Prof. Rommel C. Banlaoi sa paksang West Philippine Sea Disputes in 2014, Current Trends, Present Security Situation and Prospects for a Peaceful Resolution."

Si Joselito Custodio, isang Consultant ng Magdalo Party ang magpapaliwanag sa "National Security Implication of the West Philippine Sea/South China Sea Dispute" samantalang dadalo rin si Assistant Secretary Luis Cruz ng Office of the ASEAN Affairs ng Department of Foreign Affairs sa papel ng ASEAN sa situasyon sa karagatan.

Pawang mula sa akademya ang magsasalita sa Biyernes ng umaga na kinatatampukan nina Prof. Ramon Casiple sa paksang "Understanding Core Chinese National Interest in South China Sea and Philippine Response" at si Prof. Benito O Lim ng Ateneo de Manila University sa paksang "China's Claim on the West Philippine Sea."

Sa Biyernes ng hapon, magsasalita naman sina General Angelito M. de Leon sa pananaw at ginagawa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa nagaganap sa West Philippine Sea o South China Sea.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>