|
||||||||
|
||
Communist Party of the Philippines, tumangging may gagawing masama laban sa Santo Papa
MARIING tumanggi ang Communist Party of the Philippines sa diumano'y pahayag ng Armed Forces of the Philippines na nananatiling banta ang New People's Army sa seguridad ni Pope Francis na dadalaw sa Pilipinas sa Enero 2015.
Ayon sa pahayag ng CPP, ang ibinalita ng AFP Central Command, ay upang bigyang katarungan ang pagpapadala ng mga kawal at pagpapatupad ng mapanupil na kalarakan laban sa mga mamamayan, lalo na sa Samar at Leyte at ibang pook na dadalawin ng Santo Papa.
Niliwanag ng CPP na kasama sila ng mga Filipino sa matagumpay na pagdalaw ni Pope Francis sa bansa.
Nawa'y sa pagdalaw na ito ay mabatid ng karamihan ang mga suliraning may kinalaman sa kahirapan, panggigipit sa mga manggagawa at pagbuwag sa mga malalaking mga lupain at mabawasan ang agwat na mahihirap at mayayaman.
Samantala, sinabi ni Lt. Col. Harold Magallanes Cabunoc, Public Information Officer ng Armed Forces of the Philippines, hanggang sa may dalang mga sandata ang mga guerilya ng New People's Army at samantalang isinusulong pa rin ang pakikibaka, mananatili silang mga panganib sa sinuman, maging sa Santo Papa.
Hindi umano pinatatawad ng mga NPA ang mga sibilyan tulad ng naganap na pananambang sa isang ambulansang sibilyan noong Linggo, ika-30 ng Nobyembre sa Agusan del Sur.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |