|
||||||||
|
||
melo/20141216.m4a
|
DINALA ni Atty. Renato Bondal kanina ang kanyang reklamong plunder at graft raps laban kay Vice President Jejomar C. Binay at sa kanyang anak na si Makati Mauor Jejomar Erwin "Junjun" Binay at iba pang mga opisyal na diumano'y sangkot sa pinakamahal na paaralan sa bansa. ipinarating na ang usapin sa Ombudsman.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Atty. Bondal na si G. Binay at iba pang mga tao ang nakinabang sa pagpapatayo ng napakamahal na Makati Science High School na sinimulan noong 2007 samantalang punong lungsod pa lamang si Vice President Binay at natapos hanggang sa nanunungkulan ni Junjun Binay.
Magugunitang tumestigo si Atty. Bondal sa Senado kamakaialan at nagsabing ang sampung palapag na gusali na may sukat na 18,373 metro kwadrado ay nagkakahalaga ng P 1.3 bilyon. Lumalabas na nagkakahalaga ito ng P 72,500 bawat metro kwadrado.
Ayon kay G. Bondal, sinabi ng National Statistics Office na ang average cost sa bawat metro kwadrado noong 2007 ay P 8,013. Nangangahulugan umano na nagkakahalaga lamang ang gusali ng P 147.2 milyon.
Sa construction industry guidelines na inilathala noong 2013 ng David Landon and Shea, ang average cost ay P 25,620 sa bawat metro kwadrado kaya't nararapat lamang magkahalaga ang gusali ng P 470 milyon.
Sinabi ni G. Bondal na sa datos ng Landon and Shea, ang Makati High School ay may patong na P 862 milyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |