|
||||||||
|
||
Sandatahang lakas nagkaloob ng P 12 milyong pabuya
APAT kataong nagsuplong sa mga kawal ngpamahalaan ang tumanggap ng P 12.1 milyon sa seremonyang idinaos kanina sa Campo Aguinaldo.
Si AFP Vice Chief of Staff Lt. General John S. Bonafos ang nagbigay ng salapi sa mga nagsuplong na naging dahilan upang madakip ang isang lider ng New People's Army at tatlong miyembro ng abu Sayyaf.
Kinilala ang pinuno ng NPA sa pangalang Loida Magpatoc na ma pabuyang P 5.6 milyon. May usapin si Magpatoc na robbery, double homicide at damage to properties sa ilang pagkakataon. Sila ang mga sumalakay sa mga instalasyon ng pamahalaan sa South at North Cotabato mula 2008 hanggang 2010. Kilala sa pangalang "Gwen" at "Bebyang," si Magpatoc ay nadakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Army at PNP sa Davao delSur noong ika-28 ng Hulyo 2013.
Kabilang sa mga nadakip na Abu Sayyaf sina Basal Talb Sali na kilala sa pangalang Gong-gong Sali" at "Abu Husni" na may pabuyang P5.3 milyon. Sina Muktar Ladjaperma at Jailani Basirul ay may pabuyang P 600,000.
Nadakip si Sali sa Payatas, Quezon City noong ika-25 ng Hulyo, 2012 samantalang nadakip si Basirul sa Zamboanga noong ika-15 ng Marso 2013. Si Ladjaperma naman ay nadakup sa Zamboanga International Airport noong ikatlong araw ng Hunyo 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |