|
||||||||
|
||
Malacanang, tumanggi sa akusasyong may kinalaman sa pagbibitiw ng mga mahistrado
TUMANGGI ang Malacanang na may kinalaman sila sa pagbibitiw ng tatlong mahistrado ng Sandiganbayan na may hawak ng kaso ni Senador Jose "Jinggoy" Estrada, Jr.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Secretary Sonny Coloma na walang batayan ang mga akusasyon at mga paratang na ginigipit ng Palasyo ang mga mahistrado.
Binanggit na pahayagang Philippine Daily Inquirer na sinabi ni Associate Justice Roland Jurado, chair ng fourth division, at mga Associate Justices Alexander Gesmundo at Ma. Theresa Dolores Estoesta na binitawan nila ang usapin dahilan sa pressure mula sa publiko at maging sa may matataas ang tungkulin sa pamahalaan.
Sa isang pahinang liham na ipinadala nila kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sinabi ng tatlo na nagbibitiw sila sa pagdinig sa usapin sa mga personal na dahilan.
Ayon sa pahayagan, ang mga mahistrado ay nahihirapan sa public pressure na tanggihan ang motion for bail dahilan na rin sa paniniwala ng nakararami na dapat lamang mahatulan ang mga akusado.
Mananaig pa rin ang interes ng katarungan, dagdag naman ni Secretary Coloma.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |