|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, sasagutin ang usapin
HANDA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na humarap sa Ombudsman upang liwanagin ang mga usaping ipinarating sa hukuman kanina.
Sa isang pahayag, iisa lamang umano ang kanyang tanong sa mga taong nag-aakusa sa kanya at sa mga taong nasa likod ng mga ito, Mula noong 2007 hanggang 2013, walang anumang tanong o impormasyon ng iregularidad sa mga pryketong binabanggit sa usapin.
Sa simula ng 2014, nagkaroon ng special audit, special findings at iba pa. Sanay na umano siya sa mga hamon ng buhay at kahit pa hindi sila patas o makatarungan, hindi siya aatras.
Sasagutin umano ni G. Binay ang mga kasinungalinang ipinarating sa Ombudsman at gagawin niya ito sa tamang proseso. Nalulungkot lamang umano siya na hindi man lamang iginalang ang kapaskuhan at nilagyan pa ng kulay politika ang Simbang Gabi.
Naniniwala umano siyang lalabas at lalabas din ang katotohanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |