|
||||||||
|
||
Kalihim Ona, nananatiling pinuno ng Kagawaran ng Kalusugan
SA likod ng mga balitang naghahakot na ng kanyang kagamitan mula sa kanyang tanggapan pauwi sa kanilang tahanan si Kalihim Enrique Ona, niliwanag ng Malacanang na siya pa rin ang Kalihim ng Kalugan.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na tuloy pa rin ang pag-aaral hinggil sa mga usaping kinasasangkutan ng manggagamot dahil wala pang pahayag na taliwas sa kanyang pananatili sa puwesto.
Na sa isang extended leave si Kalihim Ona matapos siyang hilingan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na magpaliwanag hinggil sa kontrobersya sa bakunang nagkakahalaga ng P 800 milyon na pneumococcal conjugate vaccine 10. Samantalang mas mura ito, hindi naman ito ang rekomendasyon ng World Health Organization.
Naunang binanggit ni Justice Secretary Leila de Lima na sinisiyasat na ng National Bureau of Investigation ang mga alegasyon laban kay Dr. Ona.
Isang himpilan ng telebisyon ang nagbalitang naghakot na si Dr. Ona ng kanyang mga kagamitan pauwi sa kanyang tahanan. Naisumite na ni Dr. Ona ang kanyang paliwanag kay Pangulong Aquino noon pang nakalipas na Nobyembre.
Binanggit ni Pangulong Aquino sa panayam sa Busan, South Korea na mayroon pang tatlo o apat pang isyung nararapat sagutin si Kalihim Ona.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |