|
||||||||
|
||
Kalakal ng mga sasakyang higit na gumanda
PATULOY na nakamtan ng local automotive industry ang magandang benta ng mga sasakayan noong Nobyembre sa pagkakaroon ng 21, 422 units na naipagbili.
Ayon sa ulat ng Marketing Committee ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association of the Philippines, ang benta noong Nobyembre ay mas mataas ng 34% kaysa natamong bentang 15,917 units noong Nobyembre, 2013. Naganap ito dahilan sa mga bagong modelong pumasok sa pamilihan, agresibong pagbebenta at dagdag na pangangailangan ng mga mamamayan.
Tumaas ang Passenger Car at Commercial Vehicle categories kung ihahambing sa benta noong nakalipas na taon. Umabot ang passenger car segment sales sa 8,040 units na kinakitaan ng 46.7% na dagdag sa nakalipas na taon. Ang commercial cehicle naman ay nagtamo ng 13,382 sales at lumago ng 28.2% sa paghahambing sa benta noong Oktubre 2013.
Sa Commercial Vehicle category, nakita ang pag-angat ng lahat na uri ng sasakayan.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI na umaasa silang tataas pa ang benta ngayong Disyembre dahilan sa Kapaskuhan. Sa benta ng mga sasakyan mula unang araw ng Enero, umabot sa 213,427 units ang naipagbili at kinatagpuan ng 30.1% na kaunlaran.
Natamo ng Toyota Motor Philippines ang 45.4% na kinakitaan ng dagdag na 41.1% kung ihahambing sa nakalipas na taon. Pangalawa naman ang Mitsubishi Motor Philippines Corporation na mayroong 21.4%. Pangatlo ang Ford Motors na may 8.6%. Pang-apat naman ang Isuzu Philippines Corporation (5.9%) at napalitan ang Honda Cars na mayroong 5.6%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |