|
||||||||
|
||
141217melo.mp3
|
Pangulong Aquino, nakiisa sa pagkondena sa pagpasalang sa mga bata
NAGPARATING ng kanyang pakikiramay at pakiisa sa daigdig sa pagkondena si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa ginawang pagpaslang sa mga magaaral na walang kamuwang-muwang at maging sa mga kawani ng paaralan sa Pesharaw, Pakistan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Aquino na ang walang-katuturang pagkamatay ng mga kabataan at ang pagiging barbaro ng mga sumalakay ay isang paglapastangan sa lahat ng mga mamamayan ng daigdig.
Ang lagim na idinulot ng pananalakay at pagpaslang ay kailangang kondenahin. Walang anumang magagawang dahilan sa pagpaslang na ganito na kinokondena rin ng Islam.
Nakikiisa ang mga Filipino sa pagdadalamhati ng mga taga-Pakistan. Sa naganap, ang lahat ng mabubuting mamamayan ay nakikiisa sa mga nagluluksang mga Pakistani.
Umabot sa 132 mga bata at siyam na mga tauhan ng paaralan ang nasawi sa pananalakay ng mga Taliban kahapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |