Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nakiisa sa pagkondena sa pagpasalang sa mga bata

(GMT+08:00) 2014-12-17 19:56:37       CRI

Ekonomiya ng Pilipinas, matatag pa rin

SINABI ni Kalihim Arsenio M. Baliscan, ang economic planning secretary at director general ng National Economic and Development Authority na nanatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa likod ng mga naganap ngayong 2014.

Sa kanyang talumpati sa pinakahuling media briefing para sa taong 2014 sa NEDA Executive Lounge, sinabi ni G. Balisacan na kahit pa lumago lamang ang ekonomiya ng bansa sa average na 5.8 % at mas mababa sa target ng pamahalaang 6.5%, nanatiling isa sa pinakamatatag sa daigdig.

Ang kaunlaran ng ekonomiya ay dala ng mga nasa pribadong sektor at nagpapakita ng masiglang paggalaw ng ekonomiya na nagbigay ng mas magandang hanapbuhay.

Inamin ni G. Balisacan na naging pigil ang paggasta ng pamahalaan kaya't naudlot ang pag-unlad ng ekonomiya subalit ang pangyayaring ito'y pansamantala lamang.

Sa larangan ng investments, nakita umano sa Business Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagpatuloy ang business confidence sa bansa. Mas mataas ang investments at investment commitments. Lumago ang Net foreign direct investments sa unang siyam na buwan ng taon sa 61.3%. Ang kabuuhang approved investments para sa unang bahagi ng 2014 ay lumago ng 11% at para sa taong 2014, umaasa silang makakamtan ang target na 8%.

Napababa rin ng pamahalaan ang unemployment rate sa loob ng 10 taon sa pagtatamo ng 6.0%. Mas maraming hanapbuhay na pangmatagalang nakamtan ang mga manggagawa ng bansa. Umaasa silang sa pagsusulong ng programang magbibigay ng patas na oportunidad, makakamtan ang targets ayon sa Philippine Development Plan Midterm Update. Bumaba rin ang poverty rate sa 24.9% sa unang bahagi gn 2013 mula sa 27.9% noong unang bahagi ng 2012.

Nakatulong din umano ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pagpasok ng mga kabataan mula 15 hanggang 18 taong gulang. Ipinaliwanag ni G. Balisacan na hanggang noong ika-30 ng Setyembre, nasaklaw ng 4Ps ang may 4.3 milyong tahanan mula sa isang milyon noong 2010.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>