|
||||||||
|
||
Sandatahang Lakas ng Pilipinas magdiriwang ng ika-79 na taon ng pagkakatatag
BUKAS magdiriwang ang mga bumubo ng Armed Forces of the Philippines ng kanilang ika-79 na taong anibersaryo ng pagkakatatag. Tema ng pagdiriwang ang "Sandatahang Lakas: Ika-79 taong Naglilingkod ng tapat tungo sa Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganaan."
Magiging panauhing pandangal si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na katatampukan ng parade and review na magpapakita ng kasaysayan ng Armed Forces of the Philippines.
Pararangalan din ang mga opisyal, kawal, civilian employees, military reservists at mgkadete ng Reserve Officers Training Corps.
Ayon kay Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, payak subalit makahulugan ang pagdiriwang na magpapakita ng mga naganap sa reporma at modernization programs.
Magkakaroon ng band drill exhibitions mula sa General Headquarters, Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy. Kasunod ang arrival honors para sa pangulo ng bansa na magsisimula ng pagdiriwang.
Magsasalita rin si AFP Chief of Staff General Gregorio Pio P. Catapang, Jr. at susundan ng palatuntunang katatampukan ng pagpaparangal.
Nangunguna sa pararangalan sina MGeneral Oscar Lactao na naglingkod bilang Deputy Chief of Staff for Operations noong Disyembre 2013 hanggang Setyembre 2014 at kasalukuyang 4th Infantry Division Commanding General. Si General Balutan ay pararangalan sa kanyang mga nagawa bilang dating 1st Marine Brigade commander mula November 2010 hanggang Febrero 2014 at Deputy Commander ng Eastern Mindanao Command.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |