|
||||||||
|
||
Kaunlaran sa rehiyon, babagal
ANG growth rates sa Asia Pacific ang nagpapabagal sa kaunlaran sa rehiyon subalit sa pagbagsak ng halaga ng petrolyo ang posibleng magpasigla sa ekonomiya sa mga susunod na panahon.
Ayon sa Asian Development Bank, kailangang magkaroon ng pagbabago o pagrerebisa sa growth projections para sa mga ekonomiya ng rehiyon.
Sa pagbagal ng ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na siyam na buwan, binago rin ng ADB ang growth forecast na nagpapakita ng malawakang paghina ng ekonomiya sa rehiyon.
Sa pahayag, sinabi ni Shang-Jin Wei, chief economist ng Asian Development Bank, naging mabagal ang paglago ng ekonomiya sa nakalipas na tatlong quarter.
Ang GDP projections para sa rehiyon ay aabot sa 6.1% sa taong 2014 mula sa inaasahang 6.2% noong Setyembre at 6.2% sa 2015.
Sa panig ng Pilipinas, inaasahang aabot ang growth rate sa 5.8% sa 2014 mula sa forecast na 6%. Hindi umano sumapat ang paggasta ng mga mamamayan at mas mataas na private investment at net exports upang mabalanse ang mahinang public spending.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |