|
||||||||
|
||
Mananatili ang Amerikanong kawal sa pangangalaga ng Amerika
ANG akusadong kawal ng Estados Unidos na si Private First Class Joseph Scott Pemberton ay mananatili sa pangangalaga ng Estados Unidos. Ito ang sinabi ni American Ambassador Philip Goldberg sa isang panayam sa isang himpilan ng radyo sa Maynila kanina.
Sa naturang panayam sa DzRH, sinabi ni Ambassador Goldberg na sinabi ng pamahalaan ng Pilipinas na hihilingin nilang mapasailalim ng kanilang pag-iingat si Pemberton tulad ng nilalaman ng Visiting Fores Agreement subalit sa ilalim din ng VFA ang makapagdedesisyon, na panatiliin ang pag-iingat samantalang isinagasawa ang paglilitis.
Detenido si Pemberton sa Campo Aguinaldo subalit binabantayan ng mga kawal na Amerikano. Ginawa na nila umano ang higit pa sa itinatadhana ng VFA sa custody arrangement upang maging sensitibo sa Pilipinas at mga Filipino.
Nahaharap si Pemberton sa kasong murder na nasa Olongapo City Prosecutor's Office sa pagkasawi ni "Jennifer" Laude. Isang warrant of arrest ang ipinalabas para kay Pemberton at dinala sa Department of Foreign Affairs na naghatid nito sa Embahada ng America kagabi.
Ani Ambassador Goldberg, ang VFA ang namamagitan at ipinatutupad na dokumento sa isyung ito. Samantala, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na ang kanilang papel ay "custodial in nature."
Ipinaliwanag ni Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, na ang dokumentong kinikilala ng America at Pilipinas ay ang Visiting Forces Agreement at ito ang susundin ng magkabilang panig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |