Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taong 2014, mahirap basahin; May pag-asa sa bagong taon

(GMT+08:00) 2015-01-06 18:19:01       CRI

 BSP GOVERNOR TETANGCO, HUMARAP SA MGA MAMAMAHAYAG.  Naging tradisyon na ni Governor Amando M. Tetangco, Jr. ang pakikipagbalitaan sa unang Martes ng bagong taon sa mga mamamahayag.  Pagkatapos ng simpleng pagsalubong sa kanya, maglalahad na siya ng mga nagawa at kanilang pananaw sa ekonomiya ng bansa.  Nasusundan ito ng malayang talakayan.  (BSP Photo)

SINABI ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. na naging mahirap ang nakalipas na taon sapagkat noong nakalipas na 2013 ang mga pandaigdigang pamilihan ay may pangangailangan sa pananalapi at ang mga emerging market economies ang paborito ng mga may kapital, nagkaroon ng mga tinaguriang reversal at divergence ang taong 2014.

Sa kanyang talumpati sa Tuesday Breakfast Club sa EdSA Shangri-La Plaza Hotel kaninang umaga, maraming nagbago sa pamilihan noong nakalipas na taon tulad ng pagbagsak ng presyo ng petrolyo mula US$ 115 bawat bariles ay umabot na lamang sa US$ 57 kamakailan.

Sa mga pangyayaring naranasan noong 2014, tila mahirap ding basahin ang magaganap sa 2015. Kahit pa nakakabawi na ang America, wala pa ring kaunlarang nagaganap sa Europa samantalang nauwi sa technical recession ang Japan. May mga hamong kinakaharap din ang Tsina, dagdag pa ni Governor Tetangco.

Sa Pilipinas, nakita pa rin ang katatagan sa walang katiyakang pangyayari noong 2014. Kahit pa bumagal ang produksyon sa pagsasaka at nabawasan ang paggasta ng pamahalaan, naging matatag ang economic growth na suportado ng lumalawak na production base at solid domestic demand.

Kahit pa tumaas ang inflation mula Mayo hangang Agosto na dahilan ng elevated inflation expectations, napasapanganib ang inflation target ng economic managers ng pamahalaan.

Sa pagkakaroon ng malakas na capital outflows sa unang tatlong buwan ng 2014, naging negatibo ang Balance of Payments. Sa unang 11 buwan ng taon, ang Balance of Payments ay umabot sa -$3.7B. Sa pagkakaroon ng patuloy ang masiglang foreign remittances at mga kinita sa Business Process Outsourcing, napanatili ang current account surplus at natulungan ang katatagan ng Philippine peso.

Ang Gross International Reserves ay umabot sa halos US$ 79Bilyon sa huling araw ng Nobyembre at halos natakpan o napunuan ang halaga ng mga inangkat at kabayaran sa mga paninda at serbisyo sa loob ng 10 buwan.

Sa larangan ng Philippine banking system, sinabi ni Gobernador Tetangco na napanatiling maayos at malawak ang naabot nito. Ang Philippine banking system ang tanging nabigyan ng magandang rating ng Moody's na may positive outlook sa may 69 na banking systems na kanilang sinusuri.

Ipinaliwanag pa ni Gobernador Tetangco na tinataya ng Development and Budget Coordinating Committee na aabot ang tunay na Gross Domestic Product mula 7.0 hanggang 8.0% sa taong ito. Mas mataas ito sa average GDP na 4.9. Upang matamo ang target kailangang dagdagan ng pamahalaan ang paggasta.

Sa larangan ng inflation, nananatili ang kanilang pagsususri na mula 2 hanggang 4% samantalang sa financial sector, mabuway ang financial markets sa mga nagaganap sa daigdig.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>