Drone na natagpuan ng mga mangingisda, pag-aari ang America
KUMPIRMADO ng mga kawal na Americano sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na ang unmanned aerial vehicle na napulot ng mga mangingisda sa Polillo Island sa Quezon Province noong Linggo, ika-apat na araw ng Enero ay isang US Navy aerial target drone.
Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, ang drone na may serial number BQ55079 ay isang Northrop BQM-74E Chukar ay ginagamit upang makita ng mga missiles at eroplano ng mga kalaban sa kanilang naval exercises.
Ginamit umano ang drone sa pagsasanay ng US Navy sa Dagat Pasipiko, sa may Guam at natangay lamang ng alon patungo sa Polillo.
Hindi umano ito uri ng drone ay 'di ginagamit sa pagmamatyag 'di tulad ng pahayag ng ilang sektor. Wala umanong bilateral military exercises sa pag-itan ng Pilipinas at Estados Unidos na gumagamit ng ganitong uri ng training equipment.
1 2 3 4