Pagbaba ng presyo ng kuryente at petrolyo, nagpabagal ng inflation
SA mga naganap na pagbaba ng presyo ng petrolyo at kuryente, bumaba rin ang presyo ng karamihan ng mga pagkain kaya't umabot sa 2.7% ang headline inflation noong Disyembre mula sa 3.7%. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ito ang ikaapat na sunod na buwan na bumagal ang headline inflation kaya't bumaba rin ang average inflation sa 4.1%. Napaloob ito sa inflation target na mula 3.0 hanggang 5.0% sa buong 2014.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na magandang pangyayari ito sa ika-apat na quarter ng 2014 sapagkat nakamtan pa rin ang tinaguriang manageable inflation rate.
1 2 3 4