Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Arroyo, pinayagang makalabas ng piitan

(GMT+08:00) 2014-12-22 17:58:20       CRI

SAPAGKAT darating si Pope Francis sa Pilipinas, pumayag ang Sandiganbayan First Division na makalabas ng piitan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng apat na araw mula sa kanyang hospital detention.

Sa isang reslusyong inilabas kanina, pumayag sa bahagi ng kahilingan ng dating pangulo ang Sandiganbayan sa darating na ika-23 hanggang ika-26 ng Dsyembre mula sa unang kahilingan na bakasyon mula ika-23 ng Disyembre hanggang ikatlong araw ng Enero 2015. Nais ng dating pangulong mamalagi sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City.

Pumayag ang hukuman bilang pagtalima sa kaisipang "mercy and compaasion" ngayong Kapaskuhan, lalo pa't dadalaw si Pope Francis sa darating na Enero 2015.

Ayon sa resolusyon, matapos ang matagalang talakayan at sa rasong binanggit ng akusado, at dahilan na rin sa kawalan ng malakas na ebidensya na may natipong ill-gotten wealth at wala ang natatagpuang ill-gotten wealth, at sa nalalapit na pagdalaw ni Pope Francis, kahit pa taliwas sa paninindigan ng taga-usig, pinagbigyan ng hukuman ang bahagi sa kahilingan ni Gng. Arroyo na makapag-Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Ani Atty. Modesto Ticman, abogado ni Gng. Arroyo, ito ang unang pagkakataong pinagbigyan unanimously ang kanilang kahilingan na makalabas sa pagamutan upang makapag-Pasko kasama ang pamilya mula noong 2011.

Ikinagulat pa ni Atty. Ticman ang pagkakabanggit sa pagdalaw ng Santo Papa sa resolusyon. Nilagdaan ni Acting Chair Associate Justice Rodolfo Ponferrada at sinangayunan nina Associate Justices Rafael Lagos at Alex Quiroz ang desisyon.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>