Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Capoeira: Ehersisyong Pambagong Taon

(GMT+08:00) 2015-01-08 17:56:46       CRI

 

Kumusta po ang kainan noong nakaraang selebrasyon ng Pasko't Bagong Taon? Huhulaan ko, medyo napalakas ang kain n'yo ano? Syempre naman, kaliwa't kanan ang party at kung minsan, di rin maiwasan ang mapainom dahil matagal hindi nagkita ang tropa. Eh, mayroon na ba kayong napiling pan-detox para magpagpag ng timbang? Maiigi po kung magsisimula kayo ng exercise program. Pero, bago po kayo sumugod sa gym, kumunsulta muna sa inyong doktor para siguradong ligtas ang inyong pag-eehersisyo. At kapag okay po sa inyong doktor na kayo ay mag-ehersisyo, subukan ninyo ang mga ehersisyong low-intensity para hindi masyadong nakakapagod, lalo na doon sa mga first-timer. Maganda rin po sa pagbabawas ng timbang ang ating pambansang laro at greatest cultural export ng Pilipinas, ang Arnis. Diyan po sa Luneta, marami ang nagpapraktis niyan tuwing linggo. Gumaganda na ang katawan ninyo, nai-po-promote pa ninyo ang kulturang Pilipino! Siyempre, marami pa pong uri ng ehersisyo na pwede ninyong gawin. Basta gusto ninyo at masaya kayo, go lang po. Para gumanda ang ating pangangatawan.

Alam po ninyo, mga kababayan, gaya rin sa atin diyan sa Pilipinas, marami ring mga Tsino ang bumibigat ang timbang pagkatapos ng mahabang bakasyon, gaya ng Spring Festival o Chinese New Year. Pero, alam po ba ninyo na mayroon ngayong ehersisyo rito sa Beijing na swak na swak na bansagan bilang taba buster, at ito ay imported pa mula sa Brazil? Ito po ang martial art na kung tawagin ay Capoeira. Ang Beijing ay isa na ngayong internasyonal na lunsod, at matatagpuan dito ang ibat-ibang bagay na karaniwan mong makikita sa ibang lunsod sa Europa at Amerika. Pero, ang Capoeira, tulad ng ating Pambansang Larong Arnis ay kalian lamang naipakilala sa Beijing. Maganda ang Capoeira sa pagpapalakas ng katawan at pagpapataas ng pleksibilidad. Tamang tama sa pagpapagpag ng taba mula sa mahabang bakasyon.

Ang Capoeira ay nagsimula sa Brazil noong mga 1700s. Pero, ang aktuwal na pinagmulan at kung kailan ito nagsimula ay hindi matiyak dahil kakaunti lamang ang mga nasusulat na dokumentong nagbabanggit nito.

Isa lang ang sigurado, ang sinaunang bersyon ng Capoeira ginamit ng mga aliping mula sa Aprika upang ipagtanggol ang sarili mula sa mga mapang-abusong amo.

Sa ngayon, ang Capoeira ay isa nang ganap na martial art, at active exporter ng kultura ng Brazil. Ito ay opisyal na kinokonsiderang intangible cultural heritage ng Brazil.

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Capoeira: Ehersisyong Pambagong Taon 2015-01-08 17:56:46
v Kuwento ni Rhio: Isang Kuwentong Pamasko 2014-12-24 16:21:48
v Ang pambihirang kuwento ni Dominic Johnson-Hill 2014-12-11 18:59:38
v Musika mula sa Berlin 2014-12-05 16:28:27
v Kauna-unahang "gift app" ng Tsina 2014-11-27 11:05:39
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>