Mga kaibigan, nakarinig na ba kayo ng musika mula sa Africa? Dito sa Tsina, dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at lipunan, patuloy ding dumarami ang mga nandarayuhan, kasama na ang mga taga-Africa. Tulad nating mga Pilipino, mahilig sa musika ang mga Aprikano. Kaya naman, nagsisimula nang makilala ang musikang may estilong Aprikano rito sa Beijing. Ang musikang Aprikano ay may kaindak-indak na tono, eka nga nating mga Pinoy, ito'y danceable. Sa ating episode ngayong gabi, kukumustahin natin ang mga effort ng "Afrokoko Roots" isang international afrobeat band, na binubuo ng mga Ghanaian, Ugandan, at Nigerian multi-instrumentalist upang ipakilala at ibahagi ang musika at kulturang Aprikano sa mga Tsino..
Itinatanghal ng "Afrokoko Roots" ang musikang kung tawagin ay afrobeat, reggae classic, house music, at iba pang orihinal na katha. Pakinggan po natin ang kanilang kuwentong Tsina.