SA unang pagkakataon, hindi pumili ng ibang mga kataga si Pope Francis sa kanyang talumpati sa Malacanang, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsusulong ng karapatan at dignidad ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap.
Nanawagan din siya na labanan ang katiwalian at pangangailangan ng maayos na liderato. Ani Pope Francis, nasusulat sa Mabuting Balita ang pangangailangan ng pakikinig sa tinig ng mahihirap upang matapos na ang kawalan ng katarungan at panggigipit na dahilan ng nakahihiyang pangayayari sa lipunan.
Kailangan umano ang pagbabago ng puso at isip upang mawaksan ang sistemang nagpapatindi ng kahirapan at paglalayo sa mahihirap.
Idinagdag pa niyang napa panahon ang palatuntunan ng simbahang naguukol ng pansin sa mga mahihirap.
1 2 3