|
||||||||
|
||
Pope Francis, nagpasalamat sa mga Filipino
BINATI ni Pope Francis ang mga Filipino sa paghahanda para sa nalalapit pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa.
Sa kanyang homilia, sinabi ng 78-taong Santo Papa na malaki ang utang na loob sa pagpupunyagi upang mapayabong ang pananampalataya.
Nanawagan siya sa mga pari na pag-ibayuhin ang pagiging mga sugo ni Kristo at maging salamin ng madla sa kanilang pagbabago. Upang maging tunay na lingkod, nararapat makilala ng mga mamamayan ang mga pagbabago at maging mapanuri sa mga nagaganap.
Kailangan din masuri ang konsensya upang magkaroon ng pagbabago.
Nanawagan siya sa mga kabataang pari, seminarista na maging mabuting halimbawa sa kanilang kapwa. Kailangang maipadama Ang pagmamahal ng Diyos sa lahat. Kailangang makita ang mga pari sa daigdig ng mga naguguluhang kabataang hinggil sa seksualidad.
Bukas, magtutungo si Pope Francis sa Tacloban City upang makiisa sa mga biktima ng bagyo at lindol na tumama noong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |