PATULOY na umuunlad ang relasyon ng Pilipinas at mga bansang kabilang sa European Union sa nakalipas na tatlong taon samantalang magkakaroon ng mas magandang kinabukasan ang pagtutulungan hanggang sa taong 2020.
Pinamunuan ni European Union Ambassador Guy Ledoux ang mga sugo ng Greece, France, Italy, Great Britain, Germany, Spain, Denmark, Netherlands at Czech Republic sa pagtitipon. Dumalo rin ang mga kinatawan ng Austria at Belgium.
Sa nakalipas na limang taon, nakipagtulungan ang European Union sa Pilipinas sa pagbabawas ng kahirapan sa pamamagitan ng mga program hinggil sa paggalang sa batas, enerhiya, public health at peace building sa Mindanao.
Nagmula noong 2014 hanggang sa taong 2020, pagtutuunan ng pansin ng European Union at partner countries ang paggalang sa batas at ang pagkakaroon ng malawakang kaunlaran sa pamamagitan ng sustainable energy at job creation.
Lumagda sa kasunduan nina NEDA Deputy Director General Rolando Tungpalan at EU Ambassador Guy Ledoux na naglalaman ng pitong taong EU support strategy na higit sa doble ng mga naunang EU grant assistance sa Pilipinas mula sa € 130 milyon o P 7 bilyon at ginawang € 325 milyon o P 17 bilyon.
1 2 3 4 5