Acting Secretary Garin, mahihirang na kalihim ng Kagawan ng Kalusugan
PAPANGALANAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang dating congresswoman ng Iloilo bilang Kalihim ng Kalusugan. Sinabi ni Pangulong Aquino na lubos siyang natutuwa sa mga nagawa ni Acting Secretary Janette Garin at maglalagay din siya ng bagong undersecretary upang tulungan ang maluluklok sa puesto. Sasailalim din siya sa confirmation proceedings ng Kongreso.
Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino sa media briefing sa Romblon kanina. Magiging pormal ang paghirang kay Dr. Garin pagkatapos ng pagdalaw ni Pope Francis sa susunod na linggo.
Unang tinawagang magbakasyon si Gng. Garin matapos mabalitang sisiyasating ng Kagawaran ng Katarungan sa pagtanggap ng P 1 milyon mula sa Ginintuang Masaganang Ani program para sa kanyang panangampanya noong 2007 samantalang isa siyang congresswoman ng Iloilo.
1 2 3 4 5