|
||||||||
|
||
20150122ditorhio.m4a
|
Sa tuwing magagawi ako sa may Recto, Quaipo, Sta. Cruz, Espana, Sta. Mesa, at kung saan-saan pa, madalas akong nakakakita ng mga batang namamalimos sa kalye, mga batang pinabayaan ng mga magulang, inabandona, o sadyang, dahil sa kahirapan, hindi na maaruga ng mga magulang. Sa tuwing nakikita ko ang mga eksenang ito, naiisip ko tuloy ang sinabi ni Gat Jose Rizal: ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa panahong ito, kung ang mga batang nakikita ko ang magiging bahagi ng pag-asa ng bayan, anong pag-asa magkakaroon ang bayan natin? Anong kinabukasan ang naghihintay sa lahing Pilipino? Hindi po tayo pesimistiko, at alam kong may ginagawa naman ang Department of Social Welfare and Development sa isyung ito, pero ang katotohanan ay nasa harap ng mga mata natin: maraming mga batang Pilipino ang pinapabayaan ng magulang, nagugutom, at walang bubong na masisilungan. Sana palakasin po ng ating pamahalaan ang kampanya upang tuluyang maalis, o di kaya, ay mabawasan man lang ang bilang ng mga batang napapabayaan ng mga magulang at walang bubong na matatawag na tahanan. Dahil, naniniwala pa rin po ako na sila ang pag-asa ng bayan.
Dito po sa Tsina, mayroon din pong ganitong mga tagpo. Mayroon ding mga batang ds fodter home nakatigil, dahil walang magulang na kumakalinga sa kanila: ang iba sa kanila ay mga espesyal na bata, at mayroon ding mga espesyal na pangangailangan. Pero, salamat na lang at nariyan ang laowai na si Tim Baker at kanyang asawa. Sila ang mga tagapagtatag ng Shepherd's Field Children's Village, at itinayo nila ito noong 2003. Mula noon, mahigit 4,000 orphan na ang kanilang naalagaan. Bukod po riyan, sila rin po ang nagbayad o naging instrumento upang mabayaran ang mahigit 3,000 operasyon ng mga bata, at naging tulay upang maging reayalidad ang mahigit 900 adoption.
Ang Shepherd's Field Children's Village, na matatagpuan sa Wuqing District ng lunsod ng Tianjin ay isang compound na may 11 building, kabilang na ang 5 dormitoryo, paaralan, mga workshop recreation room at medical clinic.
Ang Shepherd's Field Children's Village ay tumatanggap ng mga bata mula sa mga bahay-ampunan mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa, at karamihan sa kanila ay mga batang mula sa mahihirap na pamilya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |