|
||||||||
|
||
150128melo.mp3
|
Pangulong Aquino, magsasalita sa madla
MATAPOS ang dalawang araw, magsasalita si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III tungkol sa madugong pangyayari sa Maguindanao noong Linggo.
Haharap sa telebisyon ngayong ika-anim at kalahati ng gabi (6:30 PM) si Pangulong Aquino upang magpaabot ng kanyang mensahe sa pangyayari. Magiging paksa ng pangulo ang mga tanong at isyu hinggil sa labanang ikinasawi ng 44 na pulis mula sa Special Action Force.
Hanggang kahapon, ang utos ng pangulo ay parangalan ang mga nasawi sa lahat ng posibleng paraan.
Sinabi naman ni Secretary Herminio Coloma, Jr. sa isang panayam na iginagalang nila ang desisyon ng Kongreso at Senado na suspendihin ang pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law sapagkat nararapat maliwanag kung ano ang naganap sa Maguindanao.
Walang takdang bilang ng mga nasawi mula kay Kalihim Coloma. Ayon sa MILF, nabilang nila ang 64 na bangkay ng mga pulis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |