|
||||||||
|
||
Malubha ang nagaganap sa Yemen
MASUSING binabantayan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang nagaganap sa Sana'a at sa buong Republika ng Yemen kasabay ng panawagang umalis na sa magulong bansa sa pinakamadaling panahon.
Sinusuri pa rin nila ang political at security situation sa bansa dahilan sa pagbibitiw ng mga opisyal ng pamahalaan matapos kubkubin ng mga Houti ang palasyo ng pangulo.
Tinatawagan ang mga filipino na umalis na muna sa pinakamadaling panahon sapagkat saklaw sila ng Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) kasabay na rin ng pagbabawal sa pagpapadala at pagbalik ng mga nagbabakasyong manggagawa.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, pinapayuhan ang mga Filipino na huwag na munang maglakbay palabas ng kanilang mga tahanan at magdagdag ng kaukulang pananggalang upang makaiwas sa mga ligaw na bala. Huwag ding lalahok sa anumang demonstrasyon at umiwas na rin sa mga pook na magugulo. Lumikas kung kinakailangan palayo sa kanilang tahanan na nagsisimulang maging magulo.
Dapat makipagbalitaan ang madla sa Crisis Management Team sa Sana'a at magpatala sa website ng embahada na www.riyadhpe.dfa.gov.ph sa pinakamadaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |