Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, magsasalita sa madla

(GMT+08:00) 2015-01-28 17:31:20       CRI

Arsobispo Villegas, nanawagan sa madlang maging mapagbantay

NANAWAGAN si Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Commission on Elections na maging maingat sa kanilang pagpasok sa mga kontrata sa pagpapatakbo ng automated elections upang makaiwas sa mga pagdududa at batikos.

Sa isang pahayag na inilabas Miyerkoles ng hapon, sinabi ni Arsobispo Villegas na naglabas ng pahayag ang kanyang mga kapatid na obispo sa kanilang paniniwala at impormasyon sa kontratang nakaambang ibigay ng Comelec sa Smartmatic, isang kontrobersyal at lumalabas na pinapaborang technology seller para sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Arsobispo Villegas, nabatid na ng kanyang mga kapatid na obispo ang kahinaan na sistema kasabay ng kapani-paniwalang balita sa kapalpakan ng makita at sistema kaya't mayroong mga pagdududa sa proseso ng halalan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kalalabasan ng halalan sapagkat may kinalaman ito sa pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang napiling mamuno ayon sa kanilang karapatan bilang mga botante.

Nanawagan siya sa mga pamantasan at dalubhasaang pinatatakbo ng mga relihiyoso na may mga information technology departments na mag-alok ng kanilang serbisyo at pagsusuri at mungkahi upang maibsan ang anumang pagkukulang.

Sa pagkakataong ito, nararapat maging bukas sa mga mungkahi't puna ang Commission on Elections upang mailayo ang automated elections sa anumang pagdududa ninoman sapagkat mithi ng lahat ang malinis na halalan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>