|
||||||||
|
||
Filipina, sugatan sa Libya
ISANG Filipina ang nasugatan sa isang insidente sa Tripoli, Libya kahapon. Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, limang punglo ang tumama sa bitkma at sumailim ng operasyon at na sa maayos na kalagayan.
Nagtungo ang mga tauhan ng embahada at nakausap ang asawa ng biktima.
Ani G. Jose, tuloy pa rin ang mandatory repatriation mula sa Libya. Inaaalam pa rin ng mga tauhan ng embahada kung mayroon pang ibang nasugatang mga Filipino. Kailangang maging maingat ang mga Filipinong nananatili sa Libya.
Nabalitaan din nilang may dalawa pang mga Filipino ang nasawi s Libya bagama't wala pang kumpirmasyon.
Hindi muna inilabas ang pangalan ng nabaril na biktima sa kawalan ng pahintulot ng pamilya. Isinugod ang biktima sa pagamutang pinaglilingkuran ng mga Filipino kaya't nabatid ng embahada ang kanyang kalagayan.
Naganap ang insidente sa Corinthia Hotel, isang pook na popular sa mga diplomata at iba pang mga banyaga. Tuloy ang repatriation at handang dalhin ang mga lilikas patungo sa Tunisia. Libya na umano ang gagastos para sa repatriation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |