|
||||||||
|
||
Pamahalaan at MILF, magpupulong sa Biyernes sa Kuala Lumpur
MATAPOS ang malagim na pananambang sa mga pulis sa Maguindanao, magpupulong ang peace panels ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front upang lagdaan ang kasunduang magpapatupad sa "decommissioning" ng mga sandata at kawal ng MILF.
Paguusapan din ang unang uri ng mga sandatang ibibigay sa International Decommissioning Body na magpoproseso ng mga mandirigma na sasailaim sa decommissioning at tutulungang magkaroon ng kakaibang hanapbuhay. Ang IDB ang siyang magbabantay sa mga sandatang ibibigay sa kanila upang itago at hindi na magamit pang muli.
Sa paghaharap, lalagda sila sa mga kautusang gawa ng Independent Decommissioning Body na pinamumunuan ng Turkey kasama na rin ang mga dalubhasa ng Norway at Brunei. Magkakaroon din ng apat na local experts na magmumula sa magkabilang panig.
Ang pito kataong lupon ay pinamumunuan ni Ambassador Haydar Berk na naging kinatawan ng Turkey sa North Atlantic Treaty Organization. Kabilang sa lupon ang isang retiradong heneral ng Norway, isang opisyal mula sa Brunei at sina Lt. General Rey Ardo, Dr. Mario Aguja, Von Al-Haq at Isah Bato na pawang mula sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |