Magmula noong unang panahon, ang mga sombrero ay naging bahagi na ng ating buhay. Ginagamit natin ang mga ito bilang pananggalang sa init ng araw at lamig ng panahon, at ang iba naman pamporma. Sa panahon ngayon, madalas nating makita ang mga sombrero sa mga pelikula, fashion show, at kung saan-saan porpamahan at aktibidad. Dito sa Tsina, kahit maraming tao ang gumagamit nito sa pang-araw-araw na buhay, kakaunti pa rin ang nakaka-appreciate ng mga sombrero sa industriya ng pelikula at pagmomodelo: sa madaling salita, hindi pa ito mainstream. Pero, alam po ba inyo, na mayroong isang laowai dito sa Beijing na nagtayo ng kanyang sariling kompanyang gumagawa ng magaganda at kakaibang sombrero? Naku! Kapag ikaw ay nagpunta sa isang event o party at suot mo ang gawa ni Elisabeth Koch, Chief Creative Director ng Elisabeth Koch Milinery Studio, siguradong mapapansin ka ng lahat. At dahil sa patuloy niyang pagsikat, ginamit na ng ibat-ibang malalaking artista rito sa Tsina ang kanyang mga sombrero sa kanilang mga pelikula. Para sa gabing ito, ang kuwento ni Elisabeth at kanyang mga sombrero ang ating sisilipin.