Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Apatnapu't Dalawa Pagpapadala ng Pera

(GMT+08:00) 2015-02-11 16:56:54       CRI

手续费是多少 每笔最高收费50元

                                                                        Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Susunod, isang mahalagang ekspresyon na matututunan natin ay "Magkano ang bayad sa serbisyo?"

手(shǒu)续(xù)费(fèi)是(shì)多(duō)少(shǎo)?

手(shǒu)续(xù), formalities; 费(fèi), bayarin; 手(shǒu)续(xù)费(fèi) bayad sa serbisyo.

是(shì), kataga para sa pagbibigay-diin.

多(duō)少(shǎo), magkano.

At ang sagot sa "手(shǒu)续(xù)费(fèi)是(shì)多(duō)少(shǎo)?" ay "hindi hihigit sa 50 yuan para sa bawat padala."

每(měi)笔(bǐ)最(zuì)高(gāo)收(shōu)费(fèi)五(wǔ)十(shí)元(yuán).

每(měi), bawat; 笔(bǐ), salitang panukat para sa pera; 每(měi)笔(bǐ), bawat padala.

最(zuì), pinaka; 高(gāo), mataas; 最(zuì)高(gāo), pinakamataas o bilang hangganan.

收(shōu)费(fèi), singil.

五(wǔ)十(shí), limampu; 元(yuán), monetary unit ng salaping Tsino; 五(wǔ)十(shí)元(yuán), limampung yuan.

Narito ang ikatlong usapan:
A: 手续费(shǒuxùfèi)是(shì)多少(duōshǎo)?Magkano ang bayad?
B: 按(àn)百分之一(bǎifēnzhīyī)的(de)比例(bǐlì)收取(shōuqǔ)。每(měi)笔(bǐ)最高(zuìgāo)收费(shōufèi)50元(yuán)。Ang bayad ay isang porsiyento ng halaga ng padala at hindi hihigit sa 50 yuan para sa bawat padala.

Okey, dumako na tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Kadalasan, sa panahon ng kapistahan o mahabang bakasyon sa Tsina, ang mga tao ay nagpapadala ng pera sa kanilang mga magulang, kaibigan o kamag-anakan para ipahayag ang nararamdaman nilang pagmamahal at magandang hangarin. Sa partikular, iyong mga dumarayo sa ibang lugar para magtrabaho ay nagpapadala ng pera sa kani-kanilang probinsiya o bayan buwan-buwan. Pero kapag may malaking kapahamakan o aberya, ang bawat isa ay nag-aabuloy ng pera sa mga nangangailangan. Ang mga bangko ay naglalagay ng mga espesyal na account na hindi sumisingil ng bayad para sa mga donasyon sa mga nasalantang lugar.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :) 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)! Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>