|
||||||||
|
||
Pagdiriwang ng EdSA 1986, pinamunuan ni Pangulong Aquino
IPINAGDIWANG ng Pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang ika-29 na anibersaryo ng EdSA People Power One sa gitna ng mga panawagang magbitiw na sa pwesto dahil sa naganap sa Mamasapano kamakailan.
Dumating si Pangulong Aquino sa People Power Monument sa panulukan ng EdSA at Temple Drive mga ika-11 at kalahati ng umaga upang mag-alay ng mga bulaklak sa bantayog ng mga bayani ng Edsa 1986 Revolution.
Tumuloy siya at mga kasama sa EdSA Shrine sa panulukan ng EdSA at Ortigas Avenue upang dumalo sa Misa na pinamunuan ni Arsobispo Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ginugunita ng bansa ang pagpapatalsik sa diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos samantalang nahaharap sa panibagong hamon sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force noong Enero.
Kahapon, nanawagan si Pangulong Aquino ng pagkakaisa sa mga mamamayan. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagpaparangal sa Ten Accomplished Youth Organizations sa Malacanang. Hindi nararapat malimot ng madla ang naganap noong 1986 na nagluklok sa kanyang ina sa panguluhan. Hindi na kailangan pang maulit ang naganap noong panahon ng diktadura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |