|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nanawagang suportahan ang kapayapaan
ANG mga taliwas sa palatuntunan ng pamahalaan hinggil sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa ang nabubuhay sa paghahasik ng kaguluhan sa bansa. Ito ang mensahe ni Pangulong Aquino bago natapos ang Misa sa EdSA Shrine na pinamunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.
Hindi kailangang limutin ang naganap sa Mamasapano sa Maguindanao noong isang buwan sapagkat ang madugong pangyayari noon ay maaaring maganap na muli kung hindi magkakaroon ng pagpapatotoo sa Bangsamoro Basic Law.
Inulit na muli ni Pangulong Aquino ang kanyang pagkasiphayo matapos mabalitaang napaslang ang kanyang ama noong bumalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983. Nadarama rin umano niya ang pagdadalamhati ng mga naulila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |