|
||||||||
|
||
Bawat biyaya ay may kasamang responsibilidad
SINABI ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sa bawat biyayang tinatanggap mula sa Panginoon ay my kasabay na responsibilidad. Ito ang kanyang mensahe sa idinaos na Misa sa EdSA Shrine kaninang katanghalian sa pagdiriwang ng EdSA People Power 1.
Ginamit niya ang mga katagang nasa ebanghelyo sa araw na ito. Samantalang nagpapasalamat ang karamihan sa mga biyayang tinanggap, kailangang mabatid ng lahat na ang mga biyayang natatamo ay may kaakibat na responsiblidad, tulad ng pagkilala sa mga taong nangangailangan.
Ito rin ang mensahe ng Diyos sa propetang si Jonah at sa mga taga-Niniveh, dagdag pa ni Arsobispo Tagle. Binigyang-diin niya na sa panahon ng kuaresma, kailangang makita ang kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |