|
||||||||
|
||
Pagtugis sa BIFF, iniutos na
SA pagtatapos ng mga pagdinig sa Senado ng Pilipinas hinggil sa Mamasapano incident, inutusan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang AFP Western Mindanao Command na magsagawa ng all-out offesnive operations laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters mula ngayong araw na ito.
Sinabi ng general na nais niyang ipagsanggalang ang mga komunidad laban sa armadong pananalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Ayon sa general, nalulungkot siya sa balitang may 20,000 katao ang lumikas dala ng mga pananalakay ng BIFF sa mga barangay sa kabundukan. Ipagtatanggol ng AFP ang mga mamamayan upang makabalik na sa kanilang mga tahanan, dagdag pa ni General Catapang.
Pinayuhan niya ang kanyang unit commanders na magsagawa ng pinagsanib na operasyon kasama ang Philippine National Police sa loob ng framework ng ceasefire mechanisms upang maiwasan ang kaguluhan.
Inatasan din ni General Catapang ang kanyang mga tauhan na suportahan ang Department of Social Welfare and Development at local government units ng Pagalungan at Pikit sa pagbibigay ng makakain at iba pa sa mga taong kumikas dahil sa mga manaka-nakang pananalakay ng BIFF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |