|
||||||||
|
||
Pagpupuslit ng bigas sa Sulu, napigil
NAKUBKOB ng Naval Task Unit ng Naval Forces Western Mindanao sa may Pata Island sa Sulu ang isang banyagang barko na may pangalang M/V An Bien-89-ALCI na my kargang bigas mula sa Vietnam.
Ayon sa AFP Western Mindanao Command, noong Linggo, mga alas seis veinte ng gabi ng madakip ang sasakyang dagat. Idinagdag ni Ensign Chester Isam Ramos, tagapagsalita ng Joint Task Force ZamBaSulTa, sumakay ganap na magiiikatlo't kalahati ng umaga, ang mga tauhan ng Naval Task Unit na sakay ng mga sasakyang-dagat sa ilalim ni LCmdr. Richard Rosales at iba pang mga opisyal. Nabatid na mayroong 16 na Vietnamese nationals sa ilalim ng isang Captain Nguyen Val Loi.
May kargang 116,000 sako ng bigas mula sa original na 152,000 sako mula sa Sunrise Ship and Trading Company, nakapangalan ang kargamento sa isang Alfarsi Tan Hasiman ng Jolo, Sulu.
Dumating umano ang barko noong Huwebes, ika-19 ng Pebrero mula sa Mythoi Port sa Vietnam na may dalang 152,000 sako ng bigas at nagsimula ng magdiskarga ng bigas noong nakalipas na Biyernes. Ang bigas ay nakatakdang dalhin sa iba't ibang pook sa Mindanao.
Napigil din ang operasyon ng MV Delta Queen na may kargang 20,000 sako ng bigas mula sa barkong galing sa Vietnam. Kabilang sa nasamsam ang isang lantsang may pangalang BIY 1 na may pito kataong tripulante at may 7,000 sako ng bgias, siyam na sandata na kinabibilangan ng anim na M14, 2 M-14 at isang M-203 grenade launcher. Nabimbin din ang lantsang Fatima Nurmina na may 12 kataong tripulante, 55 mga obrero at may 1,000 sako ng bigas at isang M-14, isang M-16 na may grenade launcher. Nabimbin din ang lanstang KH na may 7,000 sako ng bigas na may 11 tripulante at 798 na manggagawa.
Ayon kay Rear Admiral Reynaldo Yoma, ang lahat ng mga barko at kargamento ay dadalhin na sa Bureau of Customs upang maimbentaryo at maipagsakdal ang mga nararapat kasuhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |