Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang opisyal at isang NCO, napaslang sa Patikul, Sulu kahapon

(GMT+08:00) 2015-03-06 09:24:40       CRI

NAPASLANG sa pakikipagsagupaan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa Abu Sayyaf Group sa Sulu kahapon ang dalawang opisyal at isang non-commissioned officer. Ayon kay Brig. General Joselito Kakilala, naganap ang pangyayari sa pagtalima sa kautusan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na tugisin ang mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Kinilala niya ang mga nasawi sa mga pangalang 1Lt. Emerson M. Somera, 1st Lt. James Magbanua at Sgt. Niel Daez.

Ani General Kakilala, dumalaw si General Gregorio Pio Catapang, Jr. sa Sulu at Maguindanao upang makibalita sa kinahinatnan ng mga operasyon laban sa mga armadong grupo.

Sa Basilan, napigil ang tangkang pagpapasabog ng bombang kagagawan ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Kulay Bato, Lamitan City. Hiwalay ang pagpapatupad ng batas laban sa BIFF na tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front may pitong taon na ang nakalilipas.

Nabawi ng pamahalaan ang Camp Omar bago nakuha ang pinagkukutaan ng BIFF sa Reina Regente, ang pagawaan ng bomba sa Libutan, Mamasapano at ang pangalawang gawaan ng bomba sa Dasikil, Mamasapano.

Nanalakay na umano ang BIFFG sa ilalim ng isang Kagi Karialan sa iba't ibang pook sa Pikit, North Cotabato noong Pebrero 2015. Ikinalungkot din ni General Catapang ang pagdagsa ng may 25,000 mga mamamayan kasunod ng mga sagupaan.

May 70% na ng mga lumikas mula sa Pagalungan ang nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

Ipagpapatuloy pa ng Armed Forces of the Philippines ang kampanya laban sa BIFF at hindi na papayagang makapasok pa sa Salvo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak. Sinuportahan umano ang AFP ng MILF sa kanilang ginagawang operasyon ay pansamantalang lumipat ng kinalalagyan upang huwag madamay sa operasyon.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>