|
||||||||
|
||
May nakalaang salapi para sa tanggulang pambansa
TINIYAK ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na mayroong salaping nakalaan para sa seguridad, proteksyon at kaligtasan ng bansa na nananatiling prayoridad na pamahalaan.
Sa budget ng pamahalaan ngayong 2015, madaragdagan ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa paglalaan ng mas malaking salapi.
Ayon kay Secretary Abad, ang kaligtasan ng bansa ay nakasalalay sa kakayahan ng PNP at AFP na isulong ang rule of law at ipagtanggol ang nasasakupan ng bansa. Umaasa rin ang madla sa Bureau of Fire Protection na maipagtatanggol ang mga mamamayan sa sunog at mga trahedya.
Sa layunin ng pulisya na mababaan ang crime incidence sa 37.11% at magkaroon ng crime solution efficiency rating na 29.99%, bibigyan ang pulisya ng P 70.8 bilyon at additional budget na {2.83 bilyon sa 2014 supplemental budget para sa PNP Operational Transformational Plan na mnagpapaunlad ng kanilang kagamitan.
Sa larangan ng national safety, nangako ang Bureau of Fire Protection na babawasan ang fire incidents sa isa sa bawat 10,000 mamamayan at mga nasasawi sa isa sa bawat 200,000 mamamayan. Tumanggap ang BFP ng P 8 bilyon upang suportahan ang firefighting at emergency response activities sa pagpapatayo ng 110 himpilan ng mga bumbero at pagbili ng 116 mga trak ng bumbero.
Ang Army, Navy at Air Force at AFP General Headquarters ay nakatanggap ng budget na P 95.7 bilyon upang magampanan nila ang mga tungkulin sa bayan. Sa larangan ng AFP Modernization Program, may budget na P 20.0 bilyon mula sa allotment ng AFP General Headquarters at P 10.0 bilyon mula sa 2015 Unprogrammed Funds.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |