|
||||||||
|
||
Usapin ng Filipina drug mule sa Indonesia, nasa Korte Suprema
HINDI makakasama sa haharap sa firing squad ang Filipina "drug mule" na kinilala sa pangalang Mary Jane Fiesta Veloso sapagkat nakarating na sa Korte Suprema ng Indonesia ang kanyang usapin upang pagbalik-aralan.
Ito ang sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs sa isang briefing kanina. Ikinagulat umano ng Pilipinas na tumagal lamang ng dalawang araw ang pagbabalik-aral ng hukuman sa Yogjakarta at ipinadala na sa agad sa kanilang Korte Suprema sa Jakarta.
Nagtampok ang panig ni Veloso ng dalawang saksi na magpapatunay na nagkaroon ng problema sa paglilitis sapagkat isang mag-aaral ang naging court interpreter sa halip na isang propesyunal. Ihinarap din sa hukuman ang opisyal ng paaralan na nakakakilala sa naging court interpreter.
Ani Asst. Secretary Jose, malaki ang posibilidad na hindi akma ang naging pagsasalin ng sagot ni Veloso sa paglilitis kaya umabot sa hatol na kamatayan ang iginaawad sa kanya.
Sa panayam ng mga taga-embahada ng Pilipinas kay Veloso, nabatid na siya at 30 taong gulang, may anak at isang walang tiyak na hanapbuhay. Una siyang umalis patungo sa Kuala Lumpur at nahilingan ng isang kakilala na magdala ng maleta sa Indonesia.
Dinalaw na si Veloso ng kanyang mga kamag-anak sa piitan. Walang anumang magaganap na pagharap sa firing squad hanggang walang anumang desisyong natatanggap mula sa Korte Suprema ng Indonesia. Walang impormasyon kung gaano katagal ang panahong ginugugol sa pagbabalik-aral sa mga usapin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |