|
||||||||
|
||
20150312ditorhio.m4a
|
Mga kababayan, sa tulong po ng butihing Embahador ng Pilipinas sa Tsina na si Erlinda F. Basilio; Consul General Rhen Rodriguez; mga kapatid sa Arnis na sina Frank Olea (Balintawak); Jun Occidental (Kombatan); Lin Chi; Hu Jin; Sabrina Sicking; Tian Shu; Vincent Soberano; at marami pang iba, matagumpay po nating naidaos noong Sabado, Marso 7, sa Embahada ng Pilipinas ang kauna-unahang Arnis Seminar/Demonstration sa Beijing at Mainland Tsina.
Idinaos po natin ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-40 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Pilipinas at Tsina. Iyon pong event ay pinangalanan nating Arnis: A Bridge Towards Better Understanding and Strengthening Friendship.
Nais po kasi ng inyong lingkod na ibahagi sa mga kaibigang Tsino ang ating sariling sining, pambansang laro at panlaban na Arnis.
Ito rin po ay bilang bilang personal kong adbokasiya upang palakasin ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng mga mamamayang Pilipino at Tsino. Eka nga nila, kung ano ang iyong itinanim, siya rin ang iyong aanihin. Kaya, itinuturo po ng inyong lingkod sa mga kaibigang Tsino ang ating pinakamahalagang cultural export at pamanang kultural sa daigdig upang mas maunawaan ng mga Tsino ang ating kultura, tradisyon, at paniniwala sa buhay.
Sa ganitong paraan, mas makikilala ng mga mamamayang Tsino ang tunay na kulay at ugali ng mga Pilipino at vice versa.
Dumalo po sa event noong March 7 ang ating mga kaibigan mula sa ibat-ibang larangang gaya ng fitness, martial arts, media, pamahalaan ng Tsina, at marami pang iba.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |