|
||||||||
|
||
20150212ditorhio.m4a
|
Ngayon po ay ipinagdiriwang ng Tsina ang Spring Festival o Chinese New Year. Kaya, bago tayo magsimula, Chun Jie Kuai Le! Maligayang Spring Festival po! Ang Spring Festival po ang pinaka-importanteng pagdiriwang sa buhay ng mga Tsino at katumbas ng Pasko't Bagong Taon natin sa Pilipinas.
Kaya, para sa ating episode ngayong gabi, titingnan natin kung paano ipinagdiriwang ng mga expatriate o mga laowai na may asawang Tsino, na gaya ng inyong lingkod ang Spring Festival, ano ang katuturan ng Spring Festival para sa kanila, at marami pang iba.
Ang ating unang kuwento ay tungkol kay David Moser, isang Amerikanong 25 taon nang nainirahan sa Tsina at siya ay isang propesor sa Capital Normal University.
Ang pangalawang kuwento ay tungkol naman kay Pierre Bourdaud na mula sa France. Siya ay isang aktor at naninirahan sa Tsina, 9 na taon na ang nakakalipas. Narito naman ang kanilang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |