Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, may pananagutan sa Mamasapano

(GMT+08:00) 2015-03-17 17:41:59       CRI

Pangulong Aquino, may pananagutan sa Mamasapano

 

 PANGULONG AQUINO, MAY PANANAGUTAN SA MAMASAPANO MASAKER.  Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe, ang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na may pananagutan si Pangulong Aquino bilang commander-in-chief sa naganap na masaker sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force noong Enero.  Pinalalagdaan na sa mga kasapi ng Senado ang report na may 120 pahina.  Nangasiwa si Senador Poe sa limang public hearings, limang executive sessions at nakinig sa pahayag ng 37 resource persons.  (Romeo Bugante/PRIB Photo)

LUMALABAS na may pananagutan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa naganap na madugong sagupaan sa Mamasapano noong nakalipas na Enero.

Sa isang press conference sa Senado, sinabi ni Senador Grace Poe na sa naganap na insidente, si Pangulong Aquino ang nararapat managot. Ito ang kanyang binasa sa "draft report" ng kanyang komite.

Namuno si Senador Grace Poe sa pagdinig ng Senado bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order kasama ang mga komite ng finance at peace, unification and reconciliation.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang pangulo mismo ang nag-utos ng operasyon na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force.

Idinagdag pa ni Senador Poe na ang nagbitiw na PNP Chief Director General Alan Purisima ang nagkasala ng "usurpation of authority or official functions" ng lumahok siya sa operasyon kahit pa suspendido siya ng Ombdusman.

Nagkasala rin si Special Action Force Director Getulio Napenas ng "grave misconduct."

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Senador Poe na matapos ang limang public hearings, limang executive sessions at 73 oras na talakayang dinaluhan ng 37 resource persons at higit sa 4,300 mga dokumento, nakuha nila ang mga kailangang sagot sa maraming tanong hinggil sa naganap at nabatid rin ang mga pinahahalagahan at mga prayoridad biilang mga mamamayan.

Nilinaw niyang ang ulat ay para sa bansa, sa bawat Filipino, para sa mga mamamayan, sa mga naulila kaya't nabuo ang ulat. Isang tanong na maliwanag ay kung nagtagumpay ba o hindi ang Oplan Exodus? Naapaslang umano ang isa sa mga target, si Zulkifli bin Hir na kilala sa pangalang Marwan na kailangang masawi ang 44 na tauhan ng SAF.

Mas prayoridad ba ng pamahalaan ang pagdakip sa isang terorista kapalit ng buhay ng mga pulis? Ano ba ang nararapat na alituntunin hinggil sa pagkakasangkot ng Estados Unidos at ilan pang bansa sa pagpapatupad ng batas ng Pilipinas?

Marapat bang malimutan at pagtakpan ang kabalikat sa peace process dahilan sa kanilang kawalan ng kontrol sa kanilang mga tauhan at kawalan ng paggalang sa lehitimong government operations sa ngalan ng peace process?

Ipinadala na ang 120 pahinang ulat sa mga senador upang sangayunan o pawalang-saysay. Sa kanilang pagsusuri, lumabas na ang insidente sa Mamasapano ay isang masaker at hindi encounter o misencounter.

Ang mga tauhan ng MILF at BIFF at iba pang armadong grupo ang pumaslang at nagnakaw sa mga tauhan ng SAF.

Lumabag si dating PNP chief Alan Purisima sa Article 177 ng Revised Penal Code at Section 36 paragraph b ng PD 807, ang Civil Service Code. Bilang karagdagan, maaaring ireklamo si Purisima sa Ombudsman ng "grave misconduct" at "conduct prejudicial to the best interest of the service." Isang petisyion na magrereklamo laban sa kanya sa kasong "contempt" ay maaaring iparating sa Ombudsman.

Mananagot din si dating SAF chief Director Getulio Napenas sa "grave misconduct, inefficiency at incompetence in the performance of official duties at conduct prejudicial to the best interest of service sa ilalim ng Revised Rules on Administrative Cases sa Civil Service.

Binanggit din ni Senador Poe na si Pangulong Aquino ang "ultimately responsible" sa kinahinatnan ng Mamasapano incident.

Lumabas din na may mga indikasyon na ang pagpaplano at pagpapatupad ng operasyon ay hindi 100% - Filipino planned and implemented. May papel ang mga tauhan ng Estados unidos sa pagsasanay at pagbabantay sa isinasagawang operasyon. Gumastos ang Estados Unidos sa Oplan Exodus sapagkat sila ang nagbigay ng gamit, pagsasanay at intelligence. Marapat lamang ipagtanong kung angkop ba ang ginawang pakikipag-ugnayan ng PNO sa Estados Unidos at ang paglalaan ng pabuyang US$ 5 milyon para kay Marwan.

Nanawagan si Senador Poe kay Pangulong Aquino na ipakita at ipadama ang tunay na liderato, aminin ang pagkukulang at pagkakamali sa mga desisyong ginawa sapagkat wala namang taong hindi nagkakamali.

Pagkakataon na sanang kumilos at gumawa ng maayos matapos ang insidenteng ikinagulat ng buong bansa.

Kung pinag-ukulan lamang sana ng pansin nina Pangulong Aquino, Kalihim Mar Roxas, Kalihim Voltaire Gazmin, OIC PNP Chief Leonardo Espina at AFP Chief of Staff General Gregorio Catapang ang insidente at nagbahaginan ng impormasyon, at nagawa ang koordinasyon sa pagitan ng AFP at PNP, marahil naiwasan ang pagkalagas ng mga tauhan ng SAF.

Idinagdag pa ng mambabatas na batid ng pangulo ang detalyes at kinailangang pamunuan ang operasyon at ang paglilikas sa mga tauhan ng SAF kung naibigay ang tamang impormasyon. Maliwanag saa Board of Inquiry report na ang ground commander ang may desisyon at pananagutan. Naipag-utos sana ni Pangulong Aquino ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan.

Bilang commander-in-chief, malawak ang kanyang poder. Nararapat lamang ipaliwanag kung bakit hindi ginamit ang malawak na kagamitan at mga tauhan upang maiwasan ang tiyak na kamatayan ng mga tauhan ng PNP SAF. Marapat lamang na sila'y magpaliwanag.

Binigyang-diin pa ni Senador Poe na ang kapayapaang hinahangad ng karamihan ay ayon sa katarungan na mag paggalang sa batas at ang mmga lumalabag sa batas ay napapanagot. Hindi kailangang mabaon sa limot ang sakripisyo ng mga napaslang.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>