|
||||||||
|
||
150310melo.mp3
|
Si Pangulong Aquino ang may kasalanan
NAGSALITA na sa wakas ang kampo ni Director Getulio Napenas, Jr. isang araw matapos durugin ni Pangulong Aquino ang dating pinuno ng PNP Special Action Force.
Ayon kay Atty. Vitaliano Aguirre, abogado ni Director Napenas, ang kapalpakan sa operasyon na ikinasawi ng 44 na commandos ng SAF, 18 MILF at limang sibilyan ay kagagawan ni Pangulong Aquino sapagkat inautorisa niya ang suspendidong si PNP Director General Alan Purisima na pamunuan ang pananalakay.
Ayon sa lumabas na balita, sinabi ni Atty. Aguirre na ang unang tanong ay bakit pinayagan ni Pangulong Aquino na mangasiwa sa maselang operasyon ang isang suspendidong PNP chief. Sinabi pa ni Aguirre sa isang panayam sa telebisyon na sa pangyayaring iyan nagsimula ang lahat.
Naghugas-kamay umani si Pangulong Aquino at Purisima sa kanilang responsibilidad sa pagdakip kay Zulkifli Binhir alaias Marwan at ang kanyang alalay na si Basit Usman.
Itinanong pa rin ni Atty. Aguirre kung bakit walang anumang sinabi si Pangulong Aquino sa papel ni General Purisima sa naganap. Nagtanong din siya kung bakit walang responsibilidad ang pangulo sa nangyaring insidente.
Sa isang prayer meeting kahapon, ibinagsak ni Pangulong Aquino ang lahat ng sisi kay Director Napenas sa pagkasawi ng mga tauhan ng Special Action Force.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |