|
||||||||
|
||
Isang kasapi ng BIFF, napaslang
ISANG kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang napaslang sa pakikipagsagupa sa mga tauhan ng Philippine Marines sa Barangay Pusao, Sharif Saidona Mustapha, Maguindanao kahapon.
Kagabing mga pasado alas seis, dinala ang labi sa Maguindanao Police. Nakilala ang napaslang sa pangalangKarie Uga Dia, 18 taong gulang. Dumating ang kanyang mga magulang at kinuha ang labi.
Kahapon din ng umaga, sinalakay ng pinagsanib na tauhan ng Intelligence Security Group ng Philippine Army, Criminal Investigation and Detection Group, Philippine National Police at Explosive, Ordnance and Demolition Team ng Philippine Army ang sumalakay sa arkiladong bahay ni Mohammad Ali Tambako sa Dona Soledad Subdivision, Barangay Labangan, General Santos City.
Natagpuan ng mga alagad ng batas ang mga gamit sa pagbuo ng bomba na kinabibilangan ng mga kable, blasting camps, mga bumbilya ng Christmas lights, simcards at mga circuit boxes. Pinaniniwalaang nasa lungsod sina Tambako upang magpasabog ng bomba.
Hanggang kaninang umaga, iniulat ng Armed Forces of the Philippines na may 105 mga kasapi ng BIFF ang napaslang samantalang may 63 ang nasugatan sa patuloy na mga sagupaan sa Maguindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |