Pagsusumite ng ulat sa Mamasapano, naantala
HINDI muna isinumite ng Board of Inquiry ang kanilang ulat na unang itinakda sa araw na ito. Ang BOI ang siyang nagsisiyasat sa naganap na madugong sagupaan sa pagitan ng mga Moro Islamic Liberation Front at PNP-Special Action Force.
Ito ang desisyon ni Police Director Benjamin Magalong. Nararapat sanang isumite ang ulat noong ika-26 ng Pebrero sa liderato ng Philippine National Police subalit humiling pa ng isang linggo upang pagbalik-aralan pa ang ulat.
Nauna rito, tiniyak kay Secretary Manuel Araneta Roxas II ng PNP officials na maisusumite sa deadline ang ulat. Subalit kailangan pa ng panahon upang alamin kung mayroong mga pagkakamali sa paglilimbag. Ilalabas ito sa darating na Lunes, ika-siyam ng Marso.
1 2 3 4 5 6