Balita hinggil sa apat na narses sa Libya, 'di totoo
NILINAW ni Asst. Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs na walang katotohanan ang nabalitang pagdukot sa apat na narses sa Libya.
Sa isang briefing sa Department of Foreign Affairs, sinabi niya na inalam ng Embahada ng Pilipinas ang detalyes sa balitang ito at nabatid na walang katotohanan ang nabalitang pagdukot sa kanila.
Ang apat na narses ay inilipat sa mas ligkas na matitirhan samantalang nasa Libya. Nakausap ng tauhan ng embahada ang isa sa apat at nagsabing sila'y ligtas at na sa maayos na kalagayan.
1 2 3