Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Apatnapu't Lima Pagpaparehistro sa Ospital

(GMT+08:00) 2015-03-18 16:09:24       CRI

在(zài)哪(nǎ)儿(er)挂(guà)号(hào) 挂(guà)一(yī)个(gè)专(zhuān)家(jiā)号(hào)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Pagdating ninyo ng ospital, maaari ninyong tanungin: "Saan ako magpaparehistro?"

在(zài)哪(nǎ)儿(er)挂(guà)号(hào)?

在(zài), sa.

哪(nǎ)儿(er), saan.

挂(guà)号(hào), magparehistro.

Narito ang ikalawang usapan:

A: 在(zài)哪儿(nǎer)挂号(guàhào)?Saan ako magpaparehistro?

B: 在(zài)前面(qiánmian)的(de)挂号处(guàhàochù)。Nasa harapan ang palistahan.

Susunod: "Gusto kong makipagkita sa isang espesyalista."

挂(guà)一(yí)个(gè)专(zhuān)家(jiā)号(hào).

挂(guà), magparehistro; 号(hào), numero; 挂(guà)号(hào), magparehistro.

一(yī), isa; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat. 一(yí)个(gè), isa.

专(zhuān)家(jiā), espesyalista.

专(zhuān)家(jiā).

Narito ang ikatlong usapan:

A: 你好(nǐhǎo)。挂(guà)一(yí)个(gè)专家(zhuānjiā)号(hào)。Helo, gusto kong magparehistro para sa isang espesyalista.

B: 挂(guà)哪个(nǎge)大夫(dàifu)的(de)?Sino ang doktor na gusto ninyong puntahan?

A: 内(nèi)科(kē)李(lǐ)山(shān)大(dài)夫(fu)。Si Li Shan na nasa IM Department.

Mga Tip ng Kulturang Tsino

Iba't ibang uri ng ospital ang inyong makikita sa mga lunsod at bayan sa Tsina. Ang ilang lugar na pinagtatrabahuhan at komunidad ay may kani-kanila ring klinika para sa mga pasyenteng hindi kailangang maospital o out-patient clinics. Madalas, ang mga tao ay nagpupunta sa mga out-patient clinic dahil mas matipid ito sa oras at mas maginhawa. Kung magsasadya kayo sa doktor, kailangan kayong pumila at magparehistro. Kailangan ding magsimula kayo nang maaga sa umaga kung gusto ninyong makipagtiyap sa isang espesyalista dahil sa mahigpit nilang iskedyul. Karamihan sa mga pangunahing ospital ngayon ay nag-aalok na ng rehistrasyon sa pamamagitan ng serbisyong on-line o ng telepono.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>