|
||||||||
|
||
150318dlyst.mp3
|
Mga pengyou, sa ating programa ngayong gabi, 2 interesanteng kuwentong Tsina ang atin na namang ibabahagi sa inyo. Ang una ay tungkol kay Michael, mula sa bansang Zimbabwe. Siya 4 na taon nang nasa Beijing, at siya ay nag-aaral ng Mandarin sa Beijing Institute of Technology. Bukod sa wikang Tsino, si Michael ay nag-aaral din kung paano magluto ng authentic Chinese food.
Nadebelop ang interes ni Michael sa pagkaing Tsino matapos niyang makita kung paano magluto ang mga culinary expert na Tsino. Sabi niya, ang kanyang paboritong putaheng Tsino ay Huiguorou. Ano ang Huiguorou? Ito ay stir-fried pork slices na nilahukan ng ibat-ibang gulay sa maanghang na sarsa.
Ang HuiGuoRou
Pangarap ni Michael na maging head chef sa isang Chinese restaurant sa hinaharap.
Si Michael
Si Michael ay isa lamang po sa maraming dayuhang naririto sa Tsina, na unti-unting inaabot ang kanilang pangarap, kasama na po riyan ang marami nating kababayan. Ngayon, oras na para sa ating ikalawang kuwento. Kung merong pagkain, siyempre, meron ding dapat inumin.
Si Charles Lavoie-Nadeau ay isang 25 taong gulang na French Canadian, mula sa lunsod ng Quebec. Mula noong 2011, madalas siyang bumiyahe sa Canada, China at Mexico. Sa nakalipas na 18 buwan, nagpupusige si Charles upang palakasin at pasikatin ang kanyang bagong kompanya sa Beijing --- ang Infina Vodka.
Ang Infina Vodka, ay bagong Italian Vodka, na ipinakilala ni Charles.
Si Charles
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |